Ang aking opinyon tungkol sa kung tama ba ang mga pagbabago sa Wikang Filipino.
Bilang isang millenial na estudyante, ako rin mismo ay gumagamit ng mga salitang nagbabago sa wikang filipino katulad ng "Sana All" na ang ibig sabihin ay sana lahat, at minsan mga binaliktad na mga salita katulad ng "Omsim" na ang ibig sabihin ay mismo. Para sa akin wala namang masama kung nakakagamit tayo ng mga ganitong klase ng mga bagong salita dahil sa bagong henerasyon, ang hindi tama ay kung ginagamit natin ito sa maling paraan na nakakawala ng respeto sa ating wikang filipino. Ayon nga sa punong tagasuri ng wikang Filipino, baka lalong hindi magkaintindihan ang mga susunod na henerasyon kung mananatiling makaluma sa paggamit ng wika. Napapansin ko rin noon na ang aking mga ibang kaklase ay nahihirapan intindihin ang mga makalumang wikang Filipino, kaya para sa akin tama at walang masama ang pagbabago sa wikang Filipino, ang mahalaga ay nagkakaintindihan ang bawat isa.
Comments
Post a Comment